Inihayag ni Alvarez, na nagresign na si Ramos, na gumawa ng pangalan sa Indonesian Basketball League bilang multi-titled mentor ng Aspac Texmaco ballclub, kahapon sa kanilang opisina sa FedEx Cargohaus matapos magsilbing coach sa Express sa loob lamang ng anim na buwan simula noong Pebrero.
"In the very short time that Ramos was coach of our team, I have seen great improvements in our basketball organization -- improvements which if given time to mature, could lead us to our first ever title in the Philippine Basketball Association (PBA)," ani Alvarez.
"No doubt, coach Ramos has turned the Express into a contender in the league, and for that, we are really thankful to him," dagdag ni Alvarez.
Ang dahilan ni Ramos sa kanyang resignation letter kay Alvarez ay ang hindi makatupad sa policy ng FedEx na gamitin ang lahat ng 12 manlalaro tuwing may laro na siyang trademark ng Express bilang mabilis at running team.