Ang maluwag na depensa ang nagbaon sa PCU Dolphins sa 11-point deficit ngunit nang kani-lang paigtingin ang depensa, tinapos nila ang laro na may 14-puntos na kalamangan nang kanilang limitahan sa 17-puntos ang College of St. Benilde sa second half tungo sa 63-49 panalo sa unang seniors game.
Binasag ni Boyet Bautista ang 67-pagtatabla ng iskor nang umiskor ito ng short stab sa huling 6.1 segundo ng labanan upang ihatid ang CSJL Knights sa kalamangan at tuluyang naisubi ang 69-67 tagumpay nang makuha ni John Paul Alcaraz ang inbound error ni Tristan Veranga.
Kinamada ni Ramon Retaga ang 10 sa kanyang 16-puntos na pro-duksiyon habang walo sa 18-puntos bukod pa sa 13 rebounds ni 2004 MVP at ROY Gabby Espinas sa pagbangon ng PCU Dol-phins sa ikatlong quarter tungo sa kanilang ikaanim na sunod na panalo.
Sa juniors division, naitakas ng La Salle Greenhills ang 65-62 panalo laban sa PCU Baby Dol-phins. (Ulat ni CVOchoa)