^

PSN Palaro

4 na Pinoy jins sumungkit ng medalya

-
CHUNCHEON, Korea – Apat na miyembro ng Petron national taekwondo team, sa pangunguna ni Dax Alberto Morfe ang nagbulsa ng medalya sa kani-kanilang division sa prestihiyosong 5th Korea Open Chuncheon Taekwondo International Championships dito kamakailan.

Nasungkit ni Morfe ang silver medal, habang nagbulsa naman sina Athens Olympic veterans Tshomlee Go at Mary Antoinette Rivero at Esther Marie Singson ng bronze.

Matapos ang nasabing tourney, sasailalim ang RP squad sa pinakamahusay na Korean taekwondo schools gaya ng Korea National College of Physical Education, Seoul Physical Educational School at Peung Seng School.

Samantala, sumasailalim rin ang Petron national team members sa mabigat na military survival course sa Philippine Marines Center sa Ternate, Cavite bilang bahagi ng kanilang preparasyon sa 23rd SEA Games.

Matapos ang nasabing survival training, lalahok ang Petron national squad sa Korea Open champion-ships sa September 4-8 sa Seoul. Ito na rin ang magsisilbing final SEA Games tuneup ng koponan.

vuukle comment

ATHENS OLYMPIC

DAX ALBERTO MORFE

ESTHER MARIE SINGSON

KOREA NATIONAL COLLEGE OF PHYSICAL EDUCATION

KOREA OPEN

KOREA OPEN CHUNCHEON TAEKWONDO INTERNATIONAL CHAMPIONSHIPS

MARY ANTOINETTE RIVERO

MATAPOS

PETRON

PEUNG SENG SCHOOL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with