Dinumog ng husto ang tatlong araw na tournament na ito na ipinangalan kay Manny V. Pangilinan, chairman of the board ng PLDT at Smart.
Actually, brainchild ito ni MVP na isang badminton enthusiast.
Enjoy na enjoy at sulit ang ibinayad ng mga manonood sa tournament na ito kung saan nasaksihan nila ang paglalaro ng mga pinakamahuhusay na badminton players sa Asya na pinamunuan ni Lin Dan ng China at ang pinakamagagaling ng Europe na pinagbidahan ng worlds No.1 mixed pair nina Nathan Robertson at Gail Emms ng Germany.
Kapuna-puna na talagang angat na angat ang mga Asyano sa larong ito. Kung hindi ba naman, marami sa kinatawan ng Europe ay pawang mga Asyano pa rin. Kung No. 2 sa womens si Zhang Ning ng China, ang worlds No. 4 na si Yao Jie na kumatawan sa Netherlands ay isa ring Intsik.
Kung baga eh, ni-recruit ang mga magagaling na Asyanong shuttlers ng mga Europeans at doon pinatira sa kanilang bansa.
So hindi naman siguro malayong makasama ang Pinoy badminton players sa pinakamahuhusay sa buong mundo. Katunayan, ang magkapatid na Kennie at Kennivic Asuncion ay pang-No. 24 mixed pair sa mundo.
At dahil boom na boom ang badminton sa ating bansa, malaki ang naitulong ng MVP Cup para maging inspirasyon ito sa ating mga players na asintahin ang pinakamataas.
Kaya naman sana, hindi ito ang una at huling MVP Cup. Sana naman maging taunan na ito.
Puwede ba Mr. Manny V. Pangilinan?
Sus, grabe ang galing niya. Parang balewala lang sa kanya ang mga tira at tila hindi nahihirapan. Magaling din si Taufik Hidayat ng Indonesia. Nakita ko na siyang maglaro ng personal, talagang mahusay din. At bilib din ako sa magkapatid na Kennie at Kennivic. Galing talaga nila.
Sana ako rin. May pag-asa pa kaya?