Red Lions nakatikim ng panalo

Kapag may tiyaga, may nilaga.

Pinatotohanan ni head coach Nash Racela ang naturang kasabihan matapos igiya ang San Beda College sa 71-44 pagdurog sa Jose Rizal University para sa kanilang unang panalo sa first round ng 81st NCAA men’s basketball kaha-pon sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Kumolekta si Alex Angeles ng 23 marka, pinakinang ng 5-for-9 shooting sa 3-point range, habang may 21 naman si Jerome Paterno para sa 1-5 baraha ng Red Lions, habang may 0-6 rekord naman ang Heavy Bomb-ers ni Cris Calilan.

Kinuha ng San Beda ang 22-6 abante sa first period hanggang palobo-hin sa 40-12 sa nalalabing 41 segundo galing sa basket ng 6-foot-4 na si Paterno.

Bukod sa matinding opensa, nilimita rin ng Mendiola-based dribblers ang Jose Rizal sa 8 produksiyon sa kabuuan ng second quarter kasabay ng inilista nilang 18.

Sa high school category, umiskor naman sina John Hermida at Teree Guillermo ng 19 at 15 puntos, ayon sa pagkakasunod, upang ihatid ang nagdedepensang Red Cubs (4-1) sa 74-54 panalo sa Light Bombers (3-2). (Ulat ni RCadayona)

Show comments