^

PSN Palaro

RP-5 yuko sa higanteng kalaban

-
LAS VEGAS – Bumangon ang RP-San Miguel Beer team mula sa mahi-nang panimula sa first period nang manalasa ito sa likuran ng 27 puntos ni Ren Ren Ritualo, kabilang na ang 7 triples na nagbaba sa 19 point deficit sa 5 puntos na abante may 4:34 pa ang nalalabi sa laro ngunit natalo pa rin sa Passing Lane, 80-71 sa mainit na laban sa Cox Pavillion sa UNLV campus sa Las Vegas noong Linggo ng hapon ( Lunes ng umaga sa Maynila). Kumana ng 16 puntos si Ritualo sa ikaapat na yugto ng laro upang malusutan ang mahigpit na depensa ni Washington Wizard guard God Shammgod at trangkuhan ang pananalasa ng Philippines.

Malakas ang naging simula ng Passing Lane at ginamit ang lakas na ito sa inside lane upang maka-iskor ng high percentage shots mula kina 7’0 Brian Sigafoos ng Harvard, 6’11 Cedric Suitt ng Pepperdine, 6’10 Reggie Okosa ng La Salle at Sun Ming Ming ng China.

Ngunit nang magsimulang magrally ang Nationals, ipinasok ni Passing Lane coach Terry Layton ang 6’7, 240 pounder na si Steffon Bradford ng Nebraska upang umiskor ng malalaking baskets. Nagtapos si Bradford ng may kabuuang 22 puntos.

Tinangka nina Romel Adducul, Don Allado at Kerby Raymundo na depensahan ang mas malalaking kalaban sa ilalim ng board ngunit hindi makapasok sa mga higante ng Passing Lane. Dinomina ng Passing Lane ang boards, 52-37.

BRIAN SIGAFOOS

CEDRIC SUITT

COX PAVILLION

DON ALLADO

GOD SHAMMGOD

KERBY RAYMUNDO

LA SALLE

LAS VEGAS

PASSING LANE

REGGIE OKOSA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with