Ang naturang isang linggong event ay inorganisa ng Sportshouse sa kooperasyon ng Carlton Philippines katulong ang Team Powerplay at sanctioned ng Philippine Badminton Association. Gaganapin ang eliminations simula sa July 18-21 sa Club 650 sa Libis, Quezon City, habang ang semifinal at final round ay itatanghal naman mula July 22-24 sa SM Megamall Atrium sa Mandaluyong City.
"With growing interest in badminton, we need tourna-ments like the Sportshouse Cup to give players a chance to show their skills," wika ni dating Philippine National Police chief at Philippine Badminton Association (PBA) vice president Edgardo Agli-pay kasabay ng paglulunsad ng nasabing event noong nakaraang July 9 sa Dencios Bar and Grill sa Ortigas.
Dumalo rin sa nasabing launching sina Cecille Reyes, general mananger ng Dunlop Slazenger International Inc., ang exclusive distributor ng Carlton badminton products sa bansa.
Ayon kay Sportshouse president Mars Chua, ang tournament ngayong taon ay mayroong corporate classic division na para lamang sa mga empleyado at officers ng kumpanya at masters division kung saan ang guest players ay papayagang lumaro para sa sponsoring company.
Ang mga kalahok sa classic division ay ang Manila Bulletin, 3M Philippines, Pagcor, Philippines Daily Inquirer, San Miguel Corporation, PLDT, NBI-NCR, Slazenger, Panasonic, Celestron at Meralco, habang sa masters ang Philippine Star, Technomarine-Ateneo, Celestron, Advance Solutions, Inc., 105.1 Cross-over-Alabang, San Miguel-Powerade, Carlton at IBC-13.
Samantala, ang second Mars Cup, isang tournament na bukas para sa lahat ng badminton trainers ay idaraos sa July 18-23 sa SM Megamall Atrium din.