Pumangalawa sa pangkalahatang katayuan ang Philippines sa likuran ng host Austria sa 8-nation meet na kinabibilangan ng koponan mula sa Belgium, Bulgaria, Italy, Romania, Slovak at Cyprus.
Binanderahan nina Gretchen Malalad at Cherli Tugday, kapwa miyembro ng Philippine Air Force, ang RP-Red Horse karatekas sa impresibong performance nang manguna ito sa women Kumite compe-tition. At bagamat may dis-advantage na kulang ng ikatlong kakampi, dinaig ng duo ang Italy team sa semifinal at Austria naman sa finals sa magkatulad na 2-1 iskor.
Namayani naman si Bernardino Chu, ng Air Force sa Cyprus entry sa finals 9-0 para masungkit ang gold sa 60 kgs and under Kumite.
Isa pang gold ang sinipa ng RP buhat naman kay Junel Perania, member ng Philippine National Police, sa 70 kgs and under Kumite, nang manaig ito sa kalabang Austrian 4-2 sa final tally.
Nagpakita rin ng kahandaan sina Joel Gonzaga ng Philippine Navy at Ireneo Toribio para sa SEA Games nang masungkit nila ang bronze medals sa Kumite sa 60 kgs and under at 80 kgs and under categories, ayon sa pagkakasunod. Nagdagdag din ng bronze medal si Malalad sa 60 kgs and above Kumite at sa open Kumite, na dinuplika ni Tugday sa Kumite sa 60 kgs and below ng kampeonatong inorganisa ng Vienna Karate Federation.
Ang RP-Red Horse team, na ginigiyahan ni dating world karate champion Giuseppe Romano ng Italy, ay umani din ng karangalan sa Adriatic regional tournament sa Ter-moli, Italy at Le Hetet Cup sa Carcassonne, France.