45 na ang aplikante sa PBA Draft

Umabot na sa 45 ang bilang ng mga rookie aspirants sa PBA Annual Draft ngunit inaasahang madadagdagan pa ito sa pagpasok ng mga last minute entries bago sumapit ang deadline na nakatakda ngayong alas-5:00 ng hapon sa tanggapan ng PBA.

Lima pang players mula sa mga naunang aplikante na binanderahan nina Fil-Am Anthony Washington at Mac Mac Cardona, ang nagpasa ng kanilang application forms para sa drafting na gaganapin sa Agosto 14 sa Market Market sa Taguig.

Ito ay ang mga PBL players na sina Arjun Cordero, Ismael Junio, James Scott Razon, Cyrel Santiago at Ariel De Castro.

Nag-apply na rin sina Larry Fonacier, Paolo Buguia at Froilan Baguion.

Ang lahat ng aplikante ay kailangang may edad na 23-gulang sa araw ng draft o kung hindi ay kailangang nakapagtapos na ito ng kolehiyo o naka-graduate ng high school noong 2001. (Ulat ni Carmela V. Ochoa)

Show comments