Nailista ng UP Maroons ang magandang 2-0 simula sa torneo, na ngayon lamang uli nangyari sapul noong 1997, para pansamantalang solohin ang pamumuno.
Matapos kunin ang 31-27 kalamangan sa halftime, hindi na binigyan ng pagkakataon ng State U na makalamang ang DLSU Green Archers sa second half.
Umabot sa 10-puntos ang pinakamalaking bentahe ng Maroons na pinangunahan ni Marvin Cruz sa pagkamada ng 16-puntos at 8-rebounds, 52-42 na hinabol ng Archers sa 51-54 mula sa basket ni Ryan Araña papasok sa huling minuto ng labanan.
Ngunit nagtulong ang dating Archer na si Mika Vainio at si Cruz upang panatilihing nakadistansiya ang Maroons at ipalasap sa La Salle ang kabiguang tumabon sa kanilang 78-60 panalo laban sa mahigpit na karibal na Ateneo de Manila University noong Linggo.
Nakapasok naman ang University of the East sa win column matapos ang 71-64 pamamayani laban sa National University.
Sa juniors division, nanalo din ang junior counterparts ng East na UE Pages laban sa NU Bullpups, 60-57 upang itabla ang kanilang record sa 1-1 habang naitala naman ng UP Integrated School ang ikalawang su-nod na panalo sa iskor na 66-65 laban sa La Salle Zobel sa isa pang juniors game.