Europe abante na
July 15, 2005 | 12:00am
Ipinakita nina world No. 27 Kennie at Kennevic Asuncion ang kanilang tapang laban kina world No. 1 Gail Emms at Nathan Robertson.
Subalit sa huli, ang 2004 Athens Olympic Games silver medalist pa rin ang nangibabaw.
Pinayukod nina Emms at Robertson sina Kennie at Kennevic via three sets, 12-15, 17-14, 15-1, sa MVP Cup Asia vs. Europe Badminton Championships kagabi sa Philsports Arena sa Pasig City.
Ito ang ikalawang pagkakataon na tinalo nina Emms at Robertson sina Kennie at Kennevic matapos noong 2003 Korean Open via 15-7, 15-7 victory.
"Its really awesome," sambit ni Kennie, ang RP No. 1 ladies singles player. "Just playing against the number one mixed doubles team in the world was already a big thing for us."
Ang tagumpay nina Emms at Robertson, nagkampeon sa 2005 Swiss Open at All-England Championship, ang nagbigay ng dagdag na 3 points sa Team Europe na umiwan sa Team Asia sa 7-5 para lumapit sa inaasam na top prize $50,000.
"They played very well than we first played them in 2003 Korean Open. They were fighting for every point, and were just fortunate to have that experience against them," sabi ni Robertson.
Kinuha ng mga Pinoy shuttlers ang 6-1 lamang sa first set bago agawin ng England tandem ang 10-7 abante.
Matapos ang isang smash ni Emms para sa 12-11 lead ng Team Europe, inangkin naman nina Kennie at Kennevic ang sumunod na apat na laban para sa 15-12 tagumpay sa first set.
Nagkaroon ng pagkakataon sina Kennie at Kennevic na makuha ang match point sa second set buhat sa kanilang 14-13 lamang. Ngunit tumambad ang galing nina Emms at Robertson na pumitas ng huling tatlong puntos, 17-14.
Sa third set, hindi na hinayaan nina Emms at Robertson na makahirit pa sina Kennie at Kennevic sa pagsikwat sa 15-1 dominasyon.
Habang sinusulat ang balitang ito, kasalukuyang nilalaro pa ang dalawang singles match na magdedesisyon sa panalo sa pagitan ng Europe at Asia. (Ulat ni Russel Cadayona)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended