Ex-Archers babandera sa UP vs DLSU
July 14, 2005 | 12:00am
Magandang panoorin ang laban ngayon ng defending champion De La Salle University at University of the Philippines sa pagpapatuloy ng aksiyon sa eliminations ng UAAP basketball tournament sa Ateneo gym.
Sa larong ito, magkakaroon ng pagkakataon ang La Salle na turuan ng leksiyon ang tatlong manlalarong datiy nasa kanilang bakuran at ngayon ay nasa poder na ng kanilang kalaban.
Ito ay sina Michael Gavino, Mika Vainio at Michael Padolina na dating mga bench warmers ng La Salle at ngayong ay lumipat na sa UP Maroons.
Inaasahang gaganahan ang tatlong ito sa pakikipaglaban sa kanilang dating koponan na tanging team na hindi tinalo ng State U noong nakaraang taon.
Tampok na laro ang sagupaan ng Maroons at DLSU Green Archers sa dakong alas-4:00 ng hapon sa ikalawang seniors game pagkatapos ng sagupaan ng National University at University of the East sa alas-2:00 kung saan pag-aagawan ng dalawang koponang ito ang unang panalo matapos mabigo sa kanilang opening games.
Sa juniors division, magsasagupa naman ang UE Pages at NU Bull-pups sa pambungad na laban sa alas-10:00 ng umaga na susundan na-man ng mainit na sagu-paan ng Ateneo Blue Eaglets at ng La Salle Zobel Greenies sa alas-12:00 ng tanghali. (Ulat ni CVO)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 10, 2025 - 12:00am