"Of course, hes the world number one player, so you have to expect him to win every game," wika ni Joppien matapos siyang gibain ni Lin Dan ng China via straight sets, 15-2, 15-3, sa mens singles sa loob lamang ng halos 30 minuto sa MVP Cup Asia vs. Europe Badmin-ton Championships kagabi sa Philsports Arena sa Pasig City.
Matapos umiskor ang Team Asia ng tatlong puntos sa Day 1 mula sa mga panalo nina 2004 Athens Olympic Games gold medallist Taufik Hidayat ng Indonesia at Zhang Ning ng China sa mens at ladies singles at nina Chan Chong Ming at Koo Kian Keat ng Malaysia sa mens doubles event, idinagdag naman ni Lin ang dalawang puntos.
Ngunit hindi pinabayaan ng Team Europe na matabunan sila.
Sa pamamagitan ni Pi Hongyan, kumakatawan sa France, nakahugot ng dalawang puntos ang Team Europe mula sa kanyang 11-4, 11-3 tagumpay kay South Korean Seo Soon Hee sa ladies singles sa ikala-wang laro.
"I have to play better because Team Europe is way behind," sabi ng world No. 3 na si Hongyan, ipinanganak sa China noong 1979.
Ang bawat tagumpay sa Day 1 ay katumbas ng 1 puntos, samantalang dalawa naman sa Day 2 at tatlo sa Day 3.
Inilista ni Lin ang 5-0 abante sa first set mula sa kanyang mga smash at drop shots hanggang palakihin sa 10-1 abante kontra sa 24-anyos na si Joppien.
Nakatakda namang harapin nina world No. 27 Kennevic at Kennie Asun-cion ng Philippines sina world No. 1 Nathan Roberts at Gail Emms ng England ngayong alas-7 ng gabi sa mixed doubles event kung saan tatlong puntos ang nakalatag.