Baby Tams sinuwag ang UE Pages

Umiskor ng 12 puntos si Dexter Rosales at 11 naman si Russel Yaya para sa magandang debut ng FEU Baby Tamaraws makaraang ilam-paso ang UE Pages, 63-49, sa UAAP Season 68 juniors basketball na ginanap sa Adamson U gym, sa may San Marcelino, Manila.

Humataw din ng anim na assists at tatlong steals si Rosales para sa Baby Tams, na nagbabalik sa aksiyon sa UAAP high school matapos mag-leave of-absence noong 1996.

Sa ikalawang laro, nagtala si John Daryl Basa ng 16 puntos at nag-ambag sina Julius Reyes at Jonathan Sarsonas ng 14 at 13 puntos, ayon sa pagkakasunod para naman sa UST Baby Tigers na nanaig sa UPIS, 69-68.

Nanguna para sa UP Preps sina Santos An-drew Marfori na tumikada ng 20 puntos, 16 kay Francis Miguel Maniego at 11 naman mula kay Jacques Andre Bautista.

Show comments