Labanan ng mga nasa hulihan
July 13, 2005 | 12:00am
Pagkakataon na ngayon ng mga koponang nasa ilalim ng team stand-ings na iangat ang kanilang katayuan ngayong pahinga ang mga malalakas na koponan sa pagpapatuloy ng aksiyon sa NCAA mens basketball tournament sa Cuneta Astrodome.
Tangka ng San Sebastian College ang kanilang ikalawang panalo habang sisikapin naman ng San Beda College, Jose Rizal University at University of Perpetual Help Dalta System na makapasok sa win column sa dalawang sultadang inaasahang magiging kapanabiknabik ngayon hapon.
Unang magku-krus ang landas ng SBC Red Lions at SSCR Stags sa alas-2:00 ng hapon na susundan ng engkwentro ng UPHDS Altas at ng JRU Heavy Bombers sa dakong alas-4:00.
Sa apat na koponang ito, tanging ang Baste pa lamang ang nakakatikim ng panalo laban sa College of St. Benilde, 67-63 noong Biyernes para sa kanilang mas nakakaangat na 1-3 record.
Sa juniors division, maghaharap naman ang SBC Red Cubs at SSC-R Staglets sa pambungad na laban sa alas-11:30 ng umaga habang sa ikaapat at huling laro ay magpapang-abot naman ang UPHDS Altalletes at JRU Light Bombers. (Ulat ni CVO)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended