^

PSN Palaro

Phil. Star, JVC Open Badminton Corporate champ

-
Ibinigay lahat ng Philippine Star ang kina-kailangang lakas upang pabagsakin ang Meralco, 2-1 upang ibulsa ang corporate crown na nag-kakahalaga ng P50,000 sa pagtatapos ng JVC Open Badminton Cham-pionship sa punum-punong Glorietta Activity Center kahapon.

Sumandig ang Star-men sa mixed doubles pair nina Chester Cordero at Annalyn Delgado na pinayukod ang tambalang Joel Noga at Flor Vivas, 15-0, 15-2 upang mapa-sakamay ang korona.

Nauna rito, pinagha-tian ng dalawang kopo-nan ang doubles event kung saan dinomina ng pares nina Starmen Melody Villaceran at Dalia Santiago ang duo nina Criselda Sarabia at Diana Barbo, 15-9, 15-7.

Kinana naman ng Meralco ang men’s doubles nang ang mag-partner na sina Danilo Ildefonso at Reynaldo Selga ay manaig laban sa pares nina Rodolfo Gutierrez at Jopet Sison, 15-4, 15-6.

Sa iba pang resulta, ipinamalas naman ni Toby Gadi ng Golden Shuttle Foundation (GSF) ang kanyang maningning na performance upang ipos-te ang impresibong 15-0, 15-2 panalo laban kay Kevin Dalisay ng PNP/JLTC/Victor upang umitin ang korona sa boy’s junior.

Pinigil naman ni Karyn Velez ang dominasyon ng GSF nang angkinin ang korona sa girls side mata-pos na igupo si Cheska Bermejo ng Capiz Bad-minton Team, 11-0, 11-2.

Matapos ang panalo ni Gadi, nakipagpareha naman ito sa elite ladies singles champion na si Janina Paredes upang hiyain sina Dalisay at Elaine Cuevas, 10-15, 15-8, 15-13 at agawin ang mixed doubles diadem sa 16-under divi-sion ng event na ito na su-portado ng Tokyo Tokyo, Aktivade Sport Drink, The STAR, Pinoy Exchange, Ayala Center, Power-Smash, Accel, 102.5 Klite, 89.9 Magic, Jemah at Solar.

vuukle comment

ANNALYN DELGADO

AYALA CENTER

CAPIZ BAD

CHESKA BERMEJO

CHESTER CORDERO

CRISELDA SARABIA

DALIA SANTIAGO

DANILO ILDEFONSO

DIANA BARBO

ELAINE CUEVAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with