NCAA Basketball Tournament: Stags luhod sa Blazers
July 9, 2005 | 12:00am
Matapos humarurot sa tatlong sunod na panalo, nakahanap ng kata-pat ang College of St. Benilde nang maungusan ito ng San Sebastian College-Recoletos, 67-63, sa pagpapatuloy ng eliminations ng NCAA mens basketball tournament sa Cuneta Astrodome.
Sumandal ang SSCR Stags kina Redentor Vicente at Leo Najorda upang matikman ang kanilang kauna-unahang panalo makaraang mabi-go sa kanilang unang tatlong asignatura.
Si Vicente ang nangu-na sa Baste sa pagkamada ng kabuuang 19-pun-tos ngunit si Najorda ang naasahan ng Stags sa endgame nang umiskor ito ng tatlong krusyal na puntos.
Mula sa 64-62 bentahe ng Baste, hinatak ito ni Najorda sa apat na pun-tos, 66-62, 54 segundo ang nalalabing oras sa laro.
Umiskor si Carlo Orbeta ng split shot nang makakuha ito ng foul mula kay Jayson Ballesteros upang bahagyang makalapit sa 63-66, 42.2 se-gundo pa.
Bumalik agad ang posesyon sa Blazers dahil sa error ng Baste ngunit nasayang ito nang magmintis ang tres ni Orbeta sa huling walong segundo ng labanan at na-foul nito si Najorda na umiskor ng split shot para sa final score.
Suma total, umiskor ng dalawang panalo ang San Sebastian matapos magtagumpay ang Staglets laban sa La Salle Greenhills sa unang laro, 79-52.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended