^

PSN Palaro

UAAP Season 68 sasambulat

-
Rookie man ang coach ng Far Eastern University, naririyan pa rin ang mga beteranong maaasahan para sa kampanya ng Tamaraws na mabawi ang korona sa basketball mula sa De La Salle University sa pagbubukas ngayon ng University Athletics Association of the Philippines sa Araneta Coliseum.

Magde-debut ngayon si coach Bert Flores para sa Far Eastern na sasan-dal pa rin sa kanilang pambatong si Arwind Santos, ang reigning Most Valuable Player.

Makakaharap ng Ta-maraws ang University of the East sa tampok na laro sa alas-4:00 ng hapon sa rematch ng Final Four noong nakaraang taon.

Mauuna rito ay ang sagupaan ng University of the Philippines at ng University of Santo Tomas sa alas-2:00 ng hapon pagkatapos ng isang oras na opening program simula sa ala-una ng hapon na inihanda ng host na Adamson Univer-sity.

Hangad naman ng UP Maroons na makabawi sa kanilang masamang ka-ranasan noong nakaraang taon nang maka-bangon sila mula sa 1-6 pagtatapos sa first round sa pamamagitan ng pitong sunod na tagumpay ngunit kinapos sila ng isang panalo para makapasok sa semifinals.

Bibigyang parangal ng UAAP si Mr. Basketball, coach Sonny Paguia ma sumakabilang-buhay noong Miyerkules dahil sa colon cancer. Siya ay 72 anyos.

Si Paguia ay isa sa haligi hindi lamang ng UAAP kundi ng Philippine bas-ketball mismo, kung saan nasaksihan nito ang cage power sa Asya hanggang sa pagguho nito. Siya rin ang may pinakamaha-bang serbisyo sa UAAP kung saan naging pangulo siya noong Season 65 nang ihost ng NU ang pinaka-prestihiyosong collegiate league sa bansa. (Ulat ni CVOchoa)

vuukle comment

ADAMSON UNIVER

ARANETA COLISEUM

ARWIND SANTOS

BERT FLORES

DE LA SALLE UNIVERSITY

FAR EASTERN

FAR EASTERN UNIVERSITY

FINAL FOUR

MOST VALUABLE PLAYER

MR. BASKETBALL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with