World Pool Championship: Manalo sa quarterfinals
July 9, 2005 | 12:00am
KAOHSIUNG, Taiwan Patuloy na itinataas ng nalalabing Pinoy na lahok ng bansa sa World Pool Championship na si Marlon Manalo ang respeto ng Pilipinas matapos na umiskor ito ng panibagong panalo at maka-entra sa quarterfinals sa Kaohsiung Business Exhibition Center dito.
Tanging si Manalo na lamang ang nalalabing Pinoy matapos na mapatalsik sa kontensiyon ang apat na iba pa sa pangunguna ng defen-ding champion na si Alex The Lion Pagulayan noong Huwebes.
Gaya ng kanyang taglay na palayaw na Marvelous, ipinakita ni Manalo na akma sa kanya ang pangalang ito nang kanyang bokyain sa knockout phase ang pambato ng Taiwan na si Chien Che Huang, 10-0.
Tanging sa isang tira lamang nagkamali si Manalo kung saan hindi na niya pinagbigyan pa ng pagkakataon ang hometown bet na maka-porma.
At hindi pa nakuntento sa kanyang ginawa, muling dinuplika ni Manalo ang nasabi ring taktika ng kanya namang iposte ang 11-0 pagdurog sa isa pang Taiwanese hotshot na si Ying Chieh Chen.
Matatandaan na gu-mawa si Manalo ng kasaysayan nang itarak ang back-to-back na panalo at ngayon siya na lamang ang inaasahang magdala sa bandila ng bansa matapos na ang star-studded RP lineup ay nagsimula ng kumulapso na kinabibilangan nina 1999 World Pool cham-pion Efren Reyes, Francisco Bustamante at Pagulayan. Ang panalo ni Manalo ay nagbigay rin ng pagkakataon na maipaghiganti niya ang natamong masaklap na 10-9 kabiguan ni Gandy Valle, first leg winner ng San Miguel Asian 9-Ball Tour sa Singapore at nagbigay rin sa kanya ng pag-asa na maiuwi ang karangalan sa bansa.
Nalasap naman ni Warren Kiamco ang 4-10 pagkatalo sa mga kamay ni Jung Ling Chang, habang kumulapso naman ang beteranong si Rodolfo Boy Samson Luat sa endgame gaya ni Pagulayan at Valle na lumasap ng 8-10 decision sa Vietnamese na si Thanh Nam Nguyen, national champion noong 2004.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest