^

PSN Palaro

Malinis na baraha itataya ng Letran at St. Benilde

-
Itataya ng host Colegio de San Juan de Letran at ng College of St. Benilde ang kanilang malinis na katayuan laban sa mga wala pang panalong San Sebastian College at Jose Rizal University sa pag-papatuloy ngayon ng NCAA men’s basketball Tournament sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Alas-2:00 ng hapon ang sagupaan ng CSB Blazers at ng SSC Stags na susundan naman ng engkwentro ng CSJL Knights at JRU Heavy Bombers sa alas-4:00 ng hapon.

Tangka ng Letran at ng St. Benilde ang kanilang ikaapat na sunod na panalo upang makakalas sa four-way-tie sa 3-0 record habang nais naman ng San Sebastian at ng Jose Rizal na matikman ang unang panalo matapos mabigo sa kanilang unang tatlong pagtatangka.

Kasalukuyang magkakasalo sa liderato ang Knights, Blazers at ang mga walang laro ngayong defending cham-pion Philippine Christian University at Mapua Institute of Technology taglay ang magka-katulad na 3-0 record .

Sa juniors division, maghaharap naman ang La Salle Greenhills at ang SSC Staglets sa pambungad na laban sa alas-11:30 ng umaga habang sa ikaapat at huling laro ay magtutuos naman ang Letran Squires at ang JRU Light Bombers.

Aasahan ni CSB coach Caloy Garcia ang beteranong si Paolo Orbeta na manguna sa Blazers katulong sina Jay Sagad, Christian Cabatu at Martin Urra.

Sasandal naman si Letran coach Louie Alas kina Boyet Bautista, JP Alcaraz, Jon Aldave, Aaron Aban, Mark Andaya, Frederick Rodriguez at Jon Piñera upang pamunuan ang Knights na pinapaborang manalo sa Jose Rizal na karamihan ay puro rookie na players. (Ulat ni CVOchoa)

AARON ABAN

BOYET BAUTISTA

CALOY GARCIA

CHRISTIAN CABATU

COLLEGE OF ST. BENILDE

CUNETA ASTRODOME

FREDERICK RODRIGUEZ

HEAVY BOMBERS

JOSE RIZAL

LETRAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with