^

PSN Palaro

Asuncion masyadong malakas

-
Nagpamalas ng sobrang lakas si Kennie Asuncion para kay Jertie Kagalingan nang magposte ito ng 11-8, 11-0 tagumpay at umusad sa semifinal round ng elite masters division ng 2005 JVC Open Badminton Championships sa Glorietta Activity Center sa Makati City.

Naghahabol para sa kanyang ikalimang sunod na titulo sa ladies singles sa torneong hatid ng JVC (PHILS.), Inc., makakaharap ni Asuncion ang magwawagi sa pagitan nina Ronnielie Kagalingan at Va-nessa Tangco na kasalukuyang naglalaro pa habang sinusulat ang balitang ito.

Ang semis ay gaganapin sa Biyernes.

Samantala, dadako ang aksiyon sa mas mainit na antas sa pagsisimula ng semifinal round sa elite class at balik-askiyon sa quarterfinals sa elite masters ng event na ito na suportado ng Alaska, Gosen, Chris Sports, Rudy Project, Technomarine, Nokia, Lacta-cyd, Pioneer Life, Bacchus, at Akari.

Sa iba pang resulta, tinalo ng magkapartner na Elaine Lao at Marife Durana ang tambalan nina Jackie Gon-zales at Beth Calusin, 15-4, 15-0, para isaayos ang titular duel sa tambalan nina Judy Lim at Thea Cordero laban sa pares nina Lorna Silva at Arlene Carlos, 15-0, 15-7.

Sa men’s doubles, ginapi naman nina Gary Tulio at Dan Astillero sina Vincent Lim at Anthony Cheng, 15-11, 15-8, para umabante sa finals kontra kina Bubu Santos at Alvin Ballesteros, na umiskor ng walkover na panalo kina Lloyd Palma at Francis Camarista.

Nagtambal naman sina Tulio at Durana sa mixed doubles at hiyain sina Floren-tino Cruz at Alejandra Enri-quez, 15-8, 12-15, 15-13, para makarating sa finals ng torneong ito na itinataguyod din ng Tokyo Tokyo, Aktivade Sport Drink, The STAR, Pinoy Exchange, Ayala Center, PowerSmash, Accel, 102.5 Klite, 89.9 Magic, Jemah at Solar. Makakaharap nila sina Jofer Velez at Emy Jorge, na nanaig kina Vincent Lim at Judy Lim, 13-15, 17-15, 17-16.

Sa veterans-elite, tinalo nina Junalee Magnaye at Lao ang tambalan nina Gem Padilla at Mariel Tiangco, 15-10, 15-6, para itakda ang title duel kina Jeanette Banquiles at Guinevere Chan sa ladies doubles, habang maglalaban naman sina Salvador Ban-quiles at Anthony Ave at Martin Araneta-Brandon Chan para sa men’s doubles crown.

ALEJANDRA ENRI

ALVIN BALLESTEROS

ANTHONY AVE

ANTHONY CHENG

ARLENE CARLOS

AYALA CENTER

BETH CALUSIN

BUBU SANTOS

JUDY LIM

VINCENT LIM

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with