3rd win target ng PCU at Mapua
July 6, 2005 | 12:00am
Tangka ng defending champion Philippine Christian University at ng Mapua Institute of Technology ang ikatlong sunod na panalo upang muling pantayan ang College of St. Benilde at host Colegio de San Juan de Letran sa liderato ng NCAA mens basketball tournament.
Itataya ng PCU Dolphins at ng MIT Cardinals ang kanilang malinis na record laban sa University of Perpetual Help Dalta System at sa San Beda College ayon sa pagkakasunod.
Mauunang maghaharap ang Philippine Christian at UPHDS Altas sa alas-2:00 ng hapon kasunod ang sagupaang Mapua at SBC Red Lions sa dakong alas-4:00.
Magkatabla sa 2-0 karta ang Cardinals at Dolphins sa likod ng CSB Blazers at CSJL Knights na magkasalo sa liderato taglay ang 3-0 karta.
Magsisilbing rematch ng finals ang sagupaan ng Philippine Christian at Perpetual na naghahangad makabangon mula sa dalawang sunod na talo.
"So far so good, but I al-ways remind my players that we cant be complacent. We have to always stay focus even were leading," ani PCU coach Junel Baculi na sasandal kina Gabby Espinas, ang Rookie of the Year at Most Valuable Player noong nakaraang taon, Ramon Retaga, Rob Sanz, Jason Castro at iba pa.
Mauuna rito, maghaharap naman ang PCU Baby Dolphins at ang UPHDS Altalletes sa pang-umagang laban sa alas-11:30 ng umaga sa juniors division. (Ulat ni CVOchoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended