Ayaw sanang mangyari ito ni Philippine Olympic Committee president Jose Peping Cojuangco kaya naman hihilingin ng POC na madaliin ng International Basketball Federation (FIBA) ang isasagawang imbestigasyon ukol sa isyu ng pagsuspindi ng Bas-ketball Association of the Philippines (BAP).
"There is a possibility of that we may not join the basketball competitions of the Southeast Asian Games," ani Cojuangco na panauhin sa lingguhang PSA Forum na ginanap sa Pantalan Restaurant sa may Luneta kahapon kasama ang POC Chairman na si Robert Aventejado. "We will prepare a letter urging FIBA-World to conduct its investigation as soon as possible so we can move on."
Pinagbawalang sumali sa mga international competitions ang bansa ng FIBA matapos nitong suspindihin ang BAP.
Dahil dito, hindi nakalahok ang RP Team ni Boysie Zamar sa South East Asian Basketball Association Championships na nagsimula na sa Malaysia. Ang SEABA ay ang qualifying tournament para sa Asian Basketball Confederation Championships na qualifying tournament naman sa World Championships sa susunod na taon.
Ayon kay Cojuangco, mas maigi nang nalaman ng FIBA ang mga pangyayari.
"Theres a happy relationship between FIBA-Asia and BAP. Were happy that it is now elevated in the FIBA-World," ani Cojuangco na tinutukoy ang magan-dang relasyon ng BAP kay FIBA-Asia secretary-general Yeoh Cho Hok. "The POC is now given a chance to explain the matter in the FIBA-World."