Phil. Star, kampeon sa Burlington Friendship Cup

Nagtulong sina Gio Coquilla, Ver Roque, Gerald Ortega at Randel Reducto sa 11-0 salvo na kinana ng Philippine Star sa huling dalawang minu-to ng sagupaan para igu-po ang Wilcon Builders, 71-65 at maibulsa ang titulo sa 4th Burlington Friendship Cup na gina-nap sa Philippine Bud-dhacare Academy gym sa Quezon City.

Naghabol ang Star-men mula sa 65-60 pag-kakalubog sa huling 3:25 ng huling canto nang mag-init si Coquilla, ti-nanghal na Most Valua-ble Player sa torneo, at banderahan ang rally ng Phil. Star tungo sa tagum-pay.

Nagtala ng 19 puntos si Roque habang nag-ambag naman si Coquilla ng 17 puntos, kabilang na ang 6 na sunod sa rally ng Starmen sa krusiyal na minuto.

Samantala, tinanghal namang ikatlo ang GNC makaraang igupo ang Memory Magic, 92-82.

Muntik ng maka-grand slam ang Phil. Star nang magkampeon naman ang Philippine Star cheer-ing squad sa side events, habang pumangalawa lamang ito sa Bio-Fresh Ladies Freethrow shoot-ing, na napagwagian ng GNC.

Nakabilang naman sa Mythical Five sina Star-men Coquilla, Reducto, Reneby Banzali ng GNC, Jojo Pascua ng Wilcon at John Ray Cortez ng Shocks XT.

Show comments