Hinayaan ng Cubans na makuha ng Italians ang unang set ngunit nag-doble trabaho sa sumu-nod na tatlong sets tungo sa 29-25, 26-24, 25-23, 25-21 panalo at makum-pleto ang sweep sa Reggio Calabria (Italy) at Manila leg sa kabuuang 10 ranking points.
Nalasap naman ng Italy ang kanilang ikala-wang kabiguan sa tatlong laro at makuntento sa ikatlong puwesto na may 9 ranking points sa likuran ng Cuba at Netherlands.
Nauna rito, nanalo naman ang Dutch sa Thais, 3-0 (25-9, 25-16, 25-22), para masiguro ang ikalawang puwesto at kabuuang 9 ranking points.
Nakuha naman ng Netherlands ang dalawang individual awards mula kina Ingrid Visser bilang Best Blocker at Francien Huur-man bilang Best Spiker.
Ang Thais na babalik sa bansa sa Nobyembre upang idepensa ang kanilang korona sa Southeast Asian Games, ay nagbigay ng banta na ikinasiya ng ilang manonood sa ikatlong set nang makalapit sila ng hanggang 20-21, ngunit kinapos sa mas malalaking kalaban sa krusiyal na laro. (Russell Cadayona)