^

PSN Palaro

Cuba, reyna sa WGP Manila leg

-
Tulad ng inaasahan, ipinakita ng two-time World Grand Prix cham-pion na Cuba ang kani-lang lakas nang payukurin nila ang Italy, 4-1 at mag-reyna sa World Grand Prix Women’s Volleyball Championship sa Phil-Sports Arena sa Pasig kahapon.

Hinayaan ng Cubans na makuha ng Italians ang unang set ngunit nag-doble trabaho sa sumu-nod na tatlong sets tungo sa 29-25, 26-24, 25-23, 25-21 panalo at makum-pleto ang sweep sa Reggio Calabria (Italy) at Manila leg sa kabuuang 10 ranking points.

Nalasap naman ng Italy ang kanilang ikala-wang kabiguan sa tatlong laro at makuntento sa ikatlong puwesto na may 9 ranking points sa likuran ng Cuba at Netherlands.

Nauna rito, nanalo naman ang Dutch sa Thais, 3-0 (25-9, 25-16, 25-22), para masiguro ang ikalawang puwesto at kabuuang 9 ranking points.

Nakuha naman ng Netherlands ang dalawang individual awards mula kina Ingrid Visser bilang Best Blocker at Francien Huur-man bilang Best Spiker.

Ang Thais na babalik sa bansa sa Nobyembre upang idepensa ang kanilang korona sa Southeast Asian Games, ay nagbigay ng banta na ikinasiya ng ilang manonood sa ikatlong set nang makalapit sila ng hanggang 20-21, ngunit kinapos sa mas malalaking kalaban sa krusiyal na laro. (Russell Cadayona)

ANG THAIS

BEST BLOCKER

BEST SPIKER

FRANCIEN HUUR

INGRID VISSER

PHIL-SPORTS ARENA

REGGIO CALABRIA

RUSSELL CADAYONA

SOUTHEAST ASIAN GAMES

VOLLEYBALL CHAMPIONSHIP

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with