3 Pinoy cue masters nananalasa pa
July 4, 2005 | 12:00am
KAOHSIUNG, Taiwan -- Nanatiling walang talo ang mga Pinoy cue artists na sina Marlon Manalo, Gandy Valle at Dennis Orcullo ngunit inaalat pa rin si Efren Bata Reyes sa 2005 World Pool Championship sa Kaoh-siung Business Exhibition Center dito.
Kahit masakit ang tiyan ni Marlon Manalo, nanaig pa rin ito kay Jeremy Jones ng United States, 5-3, na sinundan nito ng pagdurog kay Wang Hua Fong ng Chinese Taipei, 5-1.
Dahil dito ay may apat na puntos na si Manalo na nagbigay sa kanya ng pamumuno sa Group 15 ng torneong ito kung saan ang top-four sa 16-grupo na binubuo ng walong players, ay uusad sa knockout phase sa Miyer-kules.
Binuksan din ni Valle ang kanyang kampanya sa dala-wang panalo laban kina David Alcaide ng Spain, 5-0, at Anthony Ginn ng England, 5-1, upang pamunuan ang Group 11.
Wala pa rin talo si Orcullo sa nine-day competition na ito matapos ang 5-1 panalo kina Nick Van Den Berg ng Netherlands at Oi Naoyuki ng Japan.
Nalasap naman ni 1999 World Pool champion Reyes ang ikalawang sunod na pagkatalo nang yumukod ito kay Jakob Lyng ng Denmark, 4 - 5 matapos masilat ng local bet na si Kang Chin Ching, 3 -5.
Dahil dito, obligado ang 50-gulang na Pinoy pool legend na ipanalo ang huling anim na matches sa Group 4 para magkaroon ito ng pag-asang makapasok sa round of 64.
Nakabawi naman sina defending champion Alex Pagulayan at Francisco Django Bustamante sa kanilang pagkatalo sa kani-kanilang opening matches.
Nakabangon si Pagula-yan, sa 4-5 kabiguan kay Rico Diks ng Netherlands matapos igupo si Do Hoang Quan ng Vietnam, 5-1, para maka-third place sa Group 1 taglay ang dalawang puntos.
Nagtala naman ng dala-wang panalo si Bustamante --laban kina Russian Kons-tantin Stepanov, 5-3, at Marko Lohtander ng Finland, 5-2 upang lukuban ang pagkatalo kina Taiwanese Che-Wei Fu para sa 4-puntos sa Group 7
Nanalo rin sina Ronnie Alcano, Rodolfo Luat at Warren Kiamco habang lumasap din ng ikalawang talo si Antonio Lining sa Group 6.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended