Ang No. 1 rookie pick ay isa sa pangunahing puwersa sa pagsulong ng Turbochargers sa semis matapos ang hindi magandang panimula sa elims, kung saan naglaro ito ng mahalagang papel sa apat na sunod na panalo ng Shell kontra sa Sta. Lucia Realty at Purefoods sa wild card at quarterfinal phase.
Ang rookie award ang isa sa pinakamimithing karangalan ng mga baguhang players. Pinaka-malakas niyang kalaban ay si James Yap ng Purefoods.