^

PSN Palaro

Depensa sa WPC title sisimulan ni Pagulayan

-
Opisyal nang idedepensa ni defending champion Alex Pagulayan ng Philippines ang kanyang titulo ngayon sa pagtitipun-tipon ng may 128 greatest players sa mundo sa Kaohsiung Business Exhibition Center saTaiwan upang lumahok sa 2005 Kaohsiung World Pool Championship.

Haharapin ni Pagulayan ang mahigpit na kompetis-yon mula sa mga manlalarong kumakatawan sa 28 iba’t ibang bansa. Nakataya sa limang araw na torneong inorganisa ng Match Room ay ang halagang US $350,000 (P19.6 Million) na ang kampeon ay may garantiyang iuuwi ang top prize na US $75,000 (P4.2 Million).

Siyam pang ibang Pinoy sa pamumuno ni 1999 champion Efren ‘Bata’ Reyes ang umusad sa main draw. Makakasama ni Reyes sina dating world number 1 Francisco ‘Django’ Bustamante, 2005 San Miguel Asian 9-Ball Manila leg winner Ronnie Alcano, Singapore leg winner Gandy Valle, Rodolfo Luat, Marlon Manalo, Dennis Orcullo, Warren Kiamco at Antonio Lining.

Bukod sa Pinoy ang mga paborito sa torneo ay sina two-time World Pool champion Chao Fong Pang at 2005 San Miguel Asian 9-Ball Tour overall champion Yang Ching Shun ng Chinese Taipei, Thorsten Hohmann at 2002 World Pool champion Earl Strickland ng United States. Ito ay mapapanood sa ESPN at Star Sports.

ALEX PAGULAYAN

ANTONIO LINING

BALL MANILA

BALL TOUR

CHAO FONG PANG

CHINESE TAIPEI

DENNIS ORCULLO

EARL STRICKLAND

SAN MIGUEL ASIAN

WORLD POOL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with