^

PSN Palaro

STAR vs Wilcon sa Burlington Cup Finals

-
Nagtala ng magkaibang panalo ang Philippine Star at Wilcon Builders noong nakaraang Linggo at itakda ang kanilang titular showdown sa 4th Burlington Friendship Cup sa Phil. Buddhacare Academy Gym.

Pinatalsik ng Starmen ni Miguel Belmonte ang defending champion GNC, 77-70 habang dinurog naman ng Wilcon squad ni Bobot Ong ang Memory Magic, 81-57.

Sumandal ang Philippine Star sa kabayanihan ni Ver Roque na kumana ng 9 markers kabilang na ang krusiyal na 4 point play sa huling yugto ng labanan para trangkuhan ang koponan ni coach Rene Recto.

Nakipagtulungan si Roque kina Mario Geocada at Gerald Ortega sa 9-5 run tungo sa pagtapos sa GNC quintet.

Nakatakda ang final sa July 3, Linggo.

Maghaharap naman ang Memory Magic at GNC para sa ikatlong puwesto sa ganap na alas-9 ng umaga.

Agad isusunod sa halftime ng unang laro ang Bio-Fresh Ladies Freethrow contest para rin sa 3rd place na paglalabanan naman ng Shocks XT at Memory Magic.

Bago ang salpukan ng Starmen at Builders sa ganap na alas-10:30 ng umaga, idadaos naman ang finals sa cheering competition.

At sa halftime, ang finals naman ng Bio-Frest free-throw finals sa pagitan ng Philippine Star at GNC.

BIO-FRESH LADIES FREETHROW

BOBOT ONG

BUDDHACARE ACADEMY GYM

BURLINGTON FRIENDSHIP CUP

GERALD ORTEGA

LINGGO

MARIO GEOCADA

MEMORY MAGIC

MIGUEL BELMONTE

PHILIPPINE STAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with