Kampanya sa pagpapanatili sa korona asam ng Dolphins

Ang maagang pagpaparamdam ng kanilang pagtatanggol sa korona ang inaasahang gagawin ng Philippine Christian University.

Pinatunayan ito ng Dolphins nang itumba ang San Beda Red Lions, 68-50, noong opening day na nagpanerbiyos kaagad sa pito pang koponan.

"The offense is there, we just have to play aggressive on the defen-sive end," ani head coach Junel Baculi sa kanyang PCU bago sagupain ang five-time champions San Sebastian ni Turo Valen-zona ngayong alas-4 ng hapon sa 81st NCAA men’s basketball tourna-ment sa Cuneta Astro-dome sa Pasay City.

Haharapin naman ng St. Benilde ni Caloy Gar-cia ang Perpetual Altas ni Bai Cristobal sa ganap na alas-2 ng hapon.

Parehong may 1-0 karta ang Dolphins at Blazers sa ilalim ng 2-0 rekord ng Letran Knights at Mapua Cardinals.

Nanggaling ang San Sebastian sa 70-81 kabiguan sa Mapua para sa kanilang 0-1 marka katu-lad ng Perpetual na natalo naman sa Letran, 54-63. (Ulat ni R. Cadayona)

Show comments