Andam silat sa Taiwanese para sa titulo

Siniguro ni Yang Ching Shun na hindi na siya mabibigo ngayon.

Naghari ang Taiwanese sa 5th Motolite Battle of Champions Philippine International Open 9-Ball Championship makaraang gapiin si Leonardo ‘Dodong’ Andam, 15-10, kagabi na ginanap sa Robinson’s Galleria Trade Hall.

Natalo sa Manila leg ng San Miguel Asian 9-Ball tour noong nakaraang buwan, ipinakita ni Yang na mas malakas siya ngayon.

Ang tagumpay ni Yang ay nagkakahalaga ng $20,000 at naipaghi-ganti ang kabiguan ng kababayang si Chang Pei Wei sa kamay ni Andam.

Nakuntento naman sa $10,000 si Andam na sinilat ang nakatakdang all-Taiwanese final sa torneong hatid ng Motolite, Café Puro at Empe-rador Brandy at magkatulong na inorganisa Puyat Sports at Solar Sports.

Show comments