Ang pinaka-aabangang bakbakan ay magaganap bandang alas-5 ng hapon kung saan kapwa inaasahan na magpapakita ng kani-kanilang bagong plays at kombinasyon ang Tigress at Lady Archers na magagamit nila sa kanilang duelo sa finals simula sa July 4.
Ang championship, isang best-of-three affairs, ay magbibigay-daan muna sa World Volleyball Grand Prix na naka-takda sa July 1-3.
Sa unang non-bearing game, maglalaban naman ang Lady Eagles (2-3) at Lady Stags (0-5) sa ganap na alas-3 ng hapon at muling magha-harap sa Lunes para sa knock-out game naman para sa ikatlong puwesto sa event na ito na suportado ng Accel, Mikasa, Dunkin Donuts, IBC-13 at Jemah Television.