^

PSN Palaro

3 PBA ref sinuspindi

-
Sinuspindi ng Philippine Basketball Association ang tatlong referees na nag-officiate sa krusyal na Game-Four ng Talk N Text at Shell sa semifinals ng PBA Gran Matador Fiesta Conference.

Ayon kay PBA Technical Committee, sinuspindi nila ang mga referees dahil sa kanilang ‘poor judgment’ sa krusyal na bahagi ng naturang labanan matapos rebisahin ang tape ng laro.

Ang mga referees na nasuspindi ay sina Mario Montiel, Throngy Aldaba at Joey Calungcaguin.

Bukod sa suspensions, pinagmulta rin ang tatlong referees ngunit tumanggi si Martinez na ihayag kung magkano ang kanilang ipinataw na fine.

"The mistakes were not on technicality but judgment," wika ni Martinez matapos konsultahin ang iba pang miyembro ng kumite. "We based our decision to penalize them on two grounds. First, their erroneous calls or non-calls were not according to our officiating guidelines set forth and, second, those errors came at crucial stages."

Nagreklamo ang kampo ng Turbo Chargers sa officiating ng referees na naging dahilan ng kanilang 91-96 pagkatalo sa overtime noong June 26, na siyang nagluklok sa Talk N Text sa finals kung saan makakaharap nila ang San Miguel Beer sa best-of-seven na magsisimula sa Biyernes.

Tumawag si Calungcaguin ng offensive kay Shell import Ajani Williams na na-fouled-out, 1:40 minuto na lamang sa extra period 88-91 lamang ang hinahabol ng Turbo Chargers bagamat nakita sa game tape na walang body contact. (Ulat ni Carmela V. Ochoa)

AJANI WILLIAMS

CARMELA V

GRAN MATADOR FIESTA CONFERENCE

JOEY CALUNGCAGUIN

MARIO MONTIEL

PHILIPPINE BASKETBALL ASSOCIATION

SAN MIGUEL BEER

TALK N TEXT

TECHNICAL COMMITTEE

TURBO CHARGERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with