Pacquiao nanalo kay Muhammad
June 30, 2005 | 12:00am
Sa harap ng nangingibabaw na ebidensiya, nakipag-ayos na si Murad Muhammad sa labas ng korte para wakasan ang $33 Million case na isinampa sa kanya ni Manny Pacquiao sa New York Federal jury trial.
Ito ay isang umaalingawngaw na tagumpay hindi lamang kay Pacquiao kundi pati na rin sa boxing. Napagwagian ni Pacquiao ang unang pagsubok ng Muhammad Ali Boxing Reform Act, na umaasam na ma-protektahan ang mga boksingero mula sa mga may maiitim at masamang balak, ang trial jury.
Sinabi ni Pacquiao sa isang overseas phone call mula sa Los Angeles na ang tagumpay na ito ay nag-balik sa kanyang pagnanais na muling lumaban.
Isinalarawan niya ito na parang panalo sa pamamagitan ng technical knockout.
"Sa totoo lang, nawalan na ako ng gana sa boksing kasi niloloko ako ng mga taong pinagkatiwalaan ko," ani Pacquiao. "Subalit, ngayon, sabik na naman akong lumaban. Araw-araw na akong mag-eensayo."
Ayon sa source, nag-alok si Muhammad ng $1 milyon para maayos ang kaso pero hindi ito nagtagumpay.
Nag-file si Pacquiao ng $13 million sa limang dahilan ng relief at $20 million damage noong nakaraang Abril. Sinimulan ni Federal judge Loretta Preska ang trial proceedings sa Southern District ng New York noong June 20.
Ayon pa sa source, tinangghian ng kampo ni Pacquiao ang unang alok ni Muhammad at ang pinakahuli ay ang take it or leave it na halagang $8 million.
Gayunpaman, wala pang kumpirmasyon sa termino ng kasunduan ngunit inihayag din ng source na pumayag na si Muhammad na bayaran ang legal fees ni Pacquiao at ang pagre-relase ng kanyang kontrata sa Agosto sa susunod na taon.
Ang pagkaka-ayos na ito ay nangangahulugan din na makukuha ni Pacquiao ang balanse sa kanyang pay-per-view receipts na pinigil ng Top Rank Promoter na si Bob Arum na umaabot sa pagitan ng $1.2M hanggang $2M . At hindi pa rin sigurado kung matatanggap ni Pacquiao ang unang natanggap ni Muhammad mula sa pay-per-view upside share na tinatayang may $1 milyon hanggang $2 milyon.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am