Lina makikipagkita kay Cojuangco
June 29, 2005 | 12:00am
Inaasahang makikipagkita ngayong araw si Basketball Association of the Philippines (BAP) president Joey Lina kay Philippine Olympic Committee (POC) chief Jose Peping Cojuangco, Jr. para ayusin ang kanilang problema.
Ang naturang hakbang ni Lina ay mula na rin sa itinakdang special General Assembly ng POC bukas sa Milky Way Restaurant sa Makati City na magdedetermina sa kapalaran ng BAP bilang miyembro ng POC.
"I have been in touch with Congressman Peping and I have scheduled a meeting with him maybe tomorrow," sabi kahapon ni Lina sa lingguhang PSA Sports Forum sa Pantalan sa Luneta.
Matatandaang inirekomenda kamakailan ng POC Executive Board ang pagpapatalsik sa BAP bilang miyembro.
Ayon kay Lina, payag silang baguhin ang organisasyon ng BAP sa hangaring marating ang kooperasyon at pagkakaisa.
Sinasabing nainis si Cojuangco kina BAP vice-president Christian Tan at secretary-general Graham Lim hinggil sa pagbabago ng prinsipyo matapos makipagkasundo sa POC.
"First and foremost, the unity must be based on principles and program rather on pesonality," sabi ni Lina. "But as far as the leadership is concerned, I accepted with all humility the leadership of BAP and as its new leader I will do everything possible to adhere to the POC Charter."
Tinanggap rin ni Lina ang tangkang pagtatayo sa Philip-pine Basketball Federation, Incorporated (PBFI) na sinasabing ipapalit sa BAP. (RC)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended