^

PSN Palaro

2005 JVC Open Badminton Championships: Xavier, Arellano umusad sa semis

-
Kapwa namayagpag ang Xavier at Arellano sa magkahiwalay na kalaban upang makausad sa semifinal round ng boys’ high school team competitions ng 2005 JVC Open Badminton Championships na nagbukas ng qualifying round noong Linggo sa PowerSmash.

Dinurog ng Xavier na pinangunahan ni singles player Jobett Co at doubles tandem nina Jeoffrey Arellado at Michael Lim, ang Little Mary Heart Montessori, Rizal High School, Marcelo H. Del Pilar at De La Salle-Zobel upang ma-sweep ang Group I at isaayos ang semifinals showdown laban sa Group 2 second placer Ateneo.

Ang Katipunan-based shuttlers na kinabibilangan nina Raphael Sanchez at doubles pair nina James Roman at Nicco Supangco, ay nanalo ng tatlo sa apat na matches, kabilang ang 2-1 victory sa La Salle-Antipolo, para pumangalawa sa Group 2 na pinangunahan ng Arellano University.

Tulad ng Xavier, ang Arellano na pinangunahan ni Andrei at JP Abad at ng tandem nina Ian at Adrian Bautista ay nanalo ng kanilang apat na laban kontra sa La Salle-Antipolo, Sienna, Perpetual at Ateneo upang itakda ang pakikipagharap sa Marcelo H. Del Pilar sa July 4 sa simula ng tournament proper ng annual event na sponsored ng JVC (PHILS.) Inc.

Sa girls category, pinangu-nahan ng Poveda at Marcelo H. Del Pilar ang Groups 1 at 2 para kalabanin ang Rizal HS at Woodrose HS, ayon sa pagkakasunod sa semifinal round ng event na ito na suportado rin ng Alaska, Gosen, Rudy Project, Techno-marine, Lactacyd, Pioneer, Bacchus, Akari, Tokyo Tokyo, Aktivade, The STAR, Pinoy Exchange, Ayala Center, Power Smash, Accel, 102.5 Klite, 89.9 Magic at Solar.

ADRIAN BAUTISTA

ANG KATIPUNAN

ARELLANO

ARELLANO UNIVERSITY

ATENEO

AYALA CENTER

DEL PILAR

LA SALLE-ANTIPOLO

MARCELO H

XAVIER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with