Bata silat kay Chamat
June 28, 2005 | 12:00am
Naligtasan ang pananakit ng tiyan at hindi magandang panimula, pinayuko ni Marcus Chamat ng Sweden si Efren Bata Reyes, 9-7, sa panimula ng 5th Motolite Battle of Champions Philippine International Open 9-Ball Championships sa main draw kahapon sa Robinsons Galleria Trade Hall.
Biktima ng mild food poisoning noong isang araw, nag-rally si Chamat mula sa three racks na pagkakaiwan iupang umiskor x ng kauna-unahang upset sa double round elimination ng torneong ito na hatid ng Motolite, Café Puro at Emperador Brandy.
Nagawa niya ito nang i-break niya si Reyes--tatlong sunod na serbisyo sa 5th, 7th at 9th.
Matapos marating ang tuktok sa pamamagitan ng run out, nagkaroon ng tsansa si Chamat na isara ang laban nang magmintis si Reyes sa mahirap na angular shot sa blue sa magaan na layout ng mesa.
Bahagyang natabunan ang kabiguan ni Reyes nang idimolisa naman ni Marlon Manalo ang Amerikanong si Corey Deuel, 9-4.
Dahil sa panalong ito, napalawig ni Manalo ang kanyang walang talong kampanya sa 17. Ang kanyang pananalasa ay nagbigay sa kanya ng sunud-sunod na titulo sa UP pool circuit.
Nagwagi din sa kani-kanilang opening round matches sina Mika Immonen ng Finland at Rodney Morris ng US.
Si Immonen, madalas na bisita ng bansa, ay namayani kay Roberto Gomez, 9-7 habang naungusan naman ni Morris ang Malaysian qualifier na si Ibrahim Bin Amir, 9-8.
Ang mga talunan ay bumagsak sa losers bracket kung saan ang isa pang pagkatalo ay mangangahulugan ng pagkakatalsik sa laban na ipapalabas sa Solar Sports mula alas-2 ng hapon.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended