La Salle vs UST sa V-League finals
June 28, 2005 | 12:00am
Naitakda ng La Salle at University of Santo Tomas ang kanilang ikatlong title showdown sa Shakeys V-League matapos ang hiwalay na panalo sa semifinals ka-hapon sa Rizal Memorial Coliseum.
Ginamitan ng La Salle ang Ateneo ng power game tungo sa 25-15, 29-27, 25-19 panalo habang dumaan naman sa butas ng karayom ang UST Tigresses bago hagutin ang 25-13, 20-25, 27-25, 27-25 panalo laban sa San Sebastian Lady Stags.
Agad nanalasa ang Lady Archers upang paamuhin ang Lady Eagles ay nakabangon sa bingit ng pagkulapso sa ikalawang set bago ibinuhos ang lahat ng kanilang puwersa sa ikatlong frame upang makumpleto ang straight-set victory at magkaroon ng tsansa sa titulo.
Dahil sa 4-1 (win-loss) slate, nakarating ng finals ang La Salle at Tigers bagamat may isang playdate pa na natitira sa double-round semis.
Bumagsak ang Ate-neo sa 2-3 karta.
Pinakawalan ni MVP Michelle Carolino ang kanyang 18 hits via kills upang panatilihing nasa tamang landas ang Lady Archers sa kanilang kampanya sa back-to-back title sa event na ito na sponsored ng Sha-keys Pizza katulong ang Accel, Mikasa, Dunkin Donuts, IBC-13 at Jemah Television.
Ang finals ay gaganapin sa July 4 upang bigyang daan ang pag-tatanghal ng World Volleyball Grand Prix na nakatakda sa July 1-3 sa PhilSports, ayon sa nag-organisang Sports Vision Management Group, Inc.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended