Si Manalo, na naghari sa mga pangunahing tor-neo sa Amerika, ay halos lumasap ng pagkasilat noong Sabado ng gabi makaraang maghabol ito sa 5-6 sa kababayang si Dennis Orcullo. Ngunit nagawa pa ring makuha ni Manalo ang panalo.
Pero ngayon higit na nagtala ito ng kumbinsi-dong tagumpay.
Naka-usad din sa main draw ng torneong ito na suportado ng Motolite, Cafe Puro at Emperador Brandy ay sina Patrick Ooi, Ibrahim Bin Amir, Imran Majid, Venancio Tanio, Gandy Valle at Roberto Gomez.
Pinayuko ni Ooi si Sheng Ping Pang, 7-3; dinaig ni Amir si Konstan-tin Stepanov, 7-6; pina-bagsak ni Majid si Tatsu-hiro Ohmoto, 7-2; dinu-rog ni Gomez si Che Wei Fu, 7-3; naungusan ni Valle si Carlo Biado, 7-3; at namayani naman si Tanio kay Pelayo, 7-4.
Makakasama nila ang mga seeded players sa torneo na sina home bets Efren Bata Reyes, Francisco Django Busta-mante at Alex Pagulayan, Americans Johnny Ar-cher, Gabe Owen, Corey Deuel, Rodney Morris at Charlie Williams Euro-pean pool stars Mika Immonen, Thorsten Hoh-mann, Neils Feijen, Tony Drago, Marcus Chamat at Thomas Engert, Taiwa-nese big guns Yang Ching Shun at Wu Chia Ching at ang mga Japanese aces na sina Satoshi Kawabata at Kunihiko Takahashi at ang Korean na si Jeong Young Hwa.