Sa dalawang kopo-nang ito, ang Tigresses na tabla sa Lady Archers sa liderato sa 3-1 (win-loss) slates, ang inaasa-hang mauunang papasok sa kampeonato dahil sa mas magaang na kala-ban na San Sebastian Lady Stags na nasibak sa semis dahil sa 0-4 card, sa alas-5:00 ng hapong main game.
Mahirap naman ang magiging laban ng La Salle kontra sa Ateneo sa alas-3:00 sa opener kung saan tiyak na ibubuhos ng Lady Eagles ang kanilang lakas sa labang ito upang magkaroon ng pag-asa sa finals.
Sa taglay na 2-2 re-cord, kailangang manalo ng Ateneo sa La Salle para magkaroon ng tsan-sa sa finals slot at pigilan ang UST-La Salle sa torneong ito na hatid ng Shakeys Pizza.
Kung mananalo ang Ateneo ay magkakaroon ng three-way tie sa 4-2 para sa first place sakaling manaig ang La Salle sa UST at mamayani naman ang Lady Eagles sa Lady Stags sa huling araw ng semis na ito sa Huwebes.
Ngunit isa lang ang si-gurado, hindi papayagan ito ng La Salle at kaila-ngang igupo nila ang Ate-neo para maiwasan pa ang komplikasyon. Ga-yundin ang UST na kaila-ngang idispatsa agad ang San Sebastian para ma-siguro ang puwesto sa fi-nals ng torneong ito na su-portado ng Accel, Mikasa, Dunkin Donuts, IBC-13 at Jemah Television.