Tila nabagsakan ng langit ang SMBeer nang magmintis ang krusyal na attempt ni import Ace Custis ngunit biglang na-buhayan ang San Miguel fans nang makuha ni Dondon Hontiveros ang rebound at ibinigay nito sa libreng si Ildefonso para ibuslo ang winning basket.
Ito ang ika-27 finals appearance ng SMBeer mula noong 1975 mata-pos iselyo ang kanilang best-of-five semifinal series sa 3-1 panalo-talo.
Hihintayin na lamang ng Beermen ang maka-kalaban sa best-of-seven titular showdown na mag-sisimula sa Biyernes sa pagitan ng Talk N Text at Shell Velocity na kasalu-kuyan pang naglalaban habang sinusulat ang balitang ito.
"We were lucky in the end. It was really a lucky shot," ani San Miguel mentor Jong Uichico na muling bibiyahe sa cham-pionships na huli nitong nagawa noong 2003 Reinforced Conference.
Bagamat may tsansa pang makahirit ng over-time ang Red Bull, napi-gilan naman ni Custis ang tangkang alley-oop shot ni Earl Barron mula sa inbound ni Bryan Gahol.
Nakaapekto sa Bara-kos ang maagang pagka-wala ng kanilang slotman na si Enrico Villanueva na nabalian ng ilong mata-pos masiko ni Custis, 8:15 pa lamang ang oras sa unang quarter.
Duguan ang ilong na inilabas si Villanueva sakay ng stretcher at agad itong isinugod sa ospital.
Matapos umiskor ng 24-puntos at 14-rebounds sa kanyang debut game, tumapos naman si Custis ng 20-puntos na sinundan ng 17 ni Racela para sa Beermen.