San Miguel Beer pasok na sa finals
June 27, 2005 | 12:00am
Nagbalik sa kampeo-nato ang San Miguel Beer nang pakawalan ni Danny Ildefonso ang isang short jumper sa huling 0.8 se-gundo ng labanan kontra sa Red Bull Barako sa pagtatapos ng kanilang semifinal series sa Gran Matador PBA Fiesta Conference kagabi sa Araneta Coliseum.
Tila nabagsakan ng langit ang SMBeer nang magmintis ang krusyal na attempt ni import Ace Custis ngunit biglang na-buhayan ang San Miguel fans nang makuha ni Dondon Hontiveros ang rebound at ibinigay nito sa libreng si Ildefonso para ibuslo ang winning basket.
Ito ang ika-27 finals appearance ng SMBeer mula noong 1975 mata-pos iselyo ang kanilang best-of-five semifinal series sa 3-1 panalo-talo.
Hihintayin na lamang ng Beermen ang maka-kalaban sa best-of-seven titular showdown na mag-sisimula sa Biyernes sa pagitan ng Talk N Text at Shell Velocity na kasalu-kuyan pang naglalaban habang sinusulat ang balitang ito.
"We were lucky in the end. It was really a lucky shot," ani San Miguel mentor Jong Uichico na muling bibiyahe sa cham-pionships na huli nitong nagawa noong 2003 Reinforced Conference.
Bagamat may tsansa pang makahirit ng over-time ang Red Bull, napi-gilan naman ni Custis ang tangkang alley-oop shot ni Earl Barron mula sa inbound ni Bryan Gahol.
Nakaapekto sa Bara-kos ang maagang pagka-wala ng kanilang slotman na si Enrico Villanueva na nabalian ng ilong mata-pos masiko ni Custis, 8:15 pa lamang ang oras sa unang quarter.
Duguan ang ilong na inilabas si Villanueva sakay ng stretcher at agad itong isinugod sa ospital.
Matapos umiskor ng 24-puntos at 14-rebounds sa kanyang debut game, tumapos naman si Custis ng 20-puntos na sinundan ng 17 ni Racela para sa Beermen.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended