^

PSN Palaro

81st NCAA season di-dribol ngayon

-
Matapos makopo ang kauna-unahang basketball title noong nakaraang taon, ang hirap ng pagdedepensa ng titulo naman ang haharapin ngayon ng Philippine Christian University sa pagbubukas ngayon ng 2005 season ng National Collegiate Athletics Association sa Araneta Coliseum.

Ang unang asignatura ng PCU Dolphins ay ang San Beda College sa una sa apat na sultadang nakatakda ngayon sa alas-2:00 ng hapon pagkatapos ng isang oras na opening ceremonies na sisi-mulan eksaktong ala-una ng hapon.

Isang makulay na programa ang inihanda ng host na Colegio de San Juan de Letran na binigyang importansiya ang mga estudyante sa taong ito sa pagbibigay ng malaking involvement sa pagdaraos ng ika-81st season ng pinakamatandang liga sa bansa.

Malaking responsibilidad ang nakaatang ngayon sa bagong coach ng Philippine Christian na si Junel Baculi, beterano ng Philippine Basket-ball League kung saan napag-kampeon niya ng limang beses ang Welcoat at tig-isa ang Dazz Dishwashing at Hapee Toothpaste.

Kaya aasa ito sa Rookie of the Year at Most Valuable Player noong nakaraang taon na si Gabby Espinas na susuportahan nina 6’4 Robert Sanz, 6’4 Ian Garrido, 5’7 Mon Retaga Jr. at 5’10 Jason Castro at ng dalawang rookies na sina si Leima Navarro at 6’4 Jona-than Rivera na galing sa roster ng kanilang juniors squad.

Hangad naman ng SBC Red Lions na makabawi sa kanilang fourth place finish noong nakaraang taon sa tulong ni coach Nash Racela at solidong suporta ng 6-foot-4 at PBL veteran na si Jerome Paterno, 6’1 Marco Arbole, 5’11 Alexander Angeles at 5’9 Francis Cruz.

Sa ikalawang laro, alas-4:00 ng hapon, maghaharap naman ang University of Per-petual Help Dalta System at ang host School na Letran Knights kasunod ang eng-kwentro ng San Sebastian College at Mapua Institute of Technology habang sa ikaapat at huling laro ay ang duelo ng Jose Rizal University at College of St. Benilde. (Ulat ni CVO)

vuukle comment

ALEXANDER ANGELES

ARANETA COLISEUM

COLLEGE OF ST. BENILDE

DAZZ DISHWASHING

FRANCIS CRUZ

GABBY ESPINAS

HAPEE TOOTHPASTE

HELP DALTA SYSTEM

IAN GARRIDO

JASON CASTRO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with