Nagreklamo ang katulong niya na diumano, hinarass siya ni Alex.
Pinagmumura at tinutukan daw ng baril.
Quick to deny si Alex at may sarili naman siyang bersyon kung bakit pinalayas niya yung maid.
Hay naku, magulo yan dahil di mo na alam ngayon kung sino ang nagsasabi ng tutuo.
Yung katulong eh kinampihan pa ng kapatid ni Ethel Booba na girlfriend pa rin ni Alex hanggang ngayon.
Labanan na ito ng mga syota at kapatid.
Sa gitna ng kaguluhan sa Hello Garci, hetot may sumisingit pang ganitong klase ng iskandalo.
Kaloka!
Pero okay lang yan dahil hindi naman nila hiniling na isulat mo sila.
Pero ang siste, at siguro nakakatawa, minsan kong nakanti ang mga yan, aba, naka-text agad at sinisita pa ako!
Bakit ko daw sila tinitira?
Nakakaloka!
Ha ha ha....
Kumpirmado na sa kanya na ang puwesto.
The man deserves it.
He has worked so hard in all his years sa serbisyo niya sa sports.
Ang mga grassroots program niya noon ay di malilimutan ng mga atleta sa ngayon.
For a while, si Robert Jaworski ang na-tsismis na magiging PSC chairman.
Pero si Jawo mismo ang nagsabi na bakit pa kailangang humanap ng iba eh maganda naman ang ginagawa ni Ramirez?
Tama si Jawo, okay na si Ramirez sa PSC!
Ang dapat kay Jawo, maging commissioner na sa PBA.
Dyan siya mas higit na kailangan.
Ang charisma niya at ang kanyang expertise sa basketball ang maaring bumuhay sa halos "nangingisay" na ngayong kalagayan ng PBA.
Kaya ako, natuwa ako nung ma-tsismis na baka si Jawo na ang magiging next head ng PBA.
Sana nga....
The best years of the PBA were the times when there was a Robert Jaworski in the league.
Alam nating lahat yan...
He could bring back the glory and popularity of the PBA.
Kaytagal itong hinintay ng mga basketball fans.
Favorites pa rin ang PCU Dolphins at ang Letran Knights.
Palaban pa rin ang Mapua Cardinals, at SSC Stags pati na rin ang CSB Blazers.
Paborito rin ang UPHR team ni Bay Cristobal.
Ewan ko pa kung ano na ang JRC.
Nangulelat ang San Beda-Nenaco team sa PBL pero hindi raw ibig sabihin nyan eh mangungulelat din sila sa NCAA.