Hawak ang bentaheng twice-to-beat, hindi na nangailangan ang namumunong food at health supplement retailer, ng knockout game nang bugbugin nila ang kalaban simula sa ikatlong yugto ng laro matapos ang mahigpitang first half na labanan.
Dahil sa panalong ito, makakaharap ng GNC ang awtomatikong semis qualifier na The Philippine Star sa Linggo, June 26, ganap na alas-2 ng hapon.
Sa isa pang quarterfinal match, ginapi ng PRC Couriers ang Memory Magic, 100-92 gayunpaman ang Memory Magic ang makakaharap ng Wilcon Builders sa isa pang semis dahil napatalsik ang PRC na nanggulpi ng opisyal matapos ang laro sa torneong suportado din ng Impack Daypack.
Sa Bio-Fresh ladies free throw shooting contest, nakapasok sa semis ang Shocks XT at Memory Magic nang gapiin nila ang kani-kanilang kalabang PRC at Monica Publishing, ayon sa pagkakasunod.
Ang Burlington Cup ay inorganisa ng TEMSPORTS at suportado ng Memory Magic, Jimac, Accel at media partners Phil. STAR, Pilipino Star Ngayon, Abante at Abante Tonite.