2005 Shakeys V-League first conference: Ateneo, La Salle at UST, 2-1
June 24, 2005 | 12:00am
Mahigpit na nakipaglaban ang Ateneo at makabangon mula sa unang set na kabiguan tungo sa 23-25, 25-23, 25-14, 25-22 tagumpay laban sa inaalat na San Sebastian kahapon sa pagsasara ng unang round ng semis ng 2005 Shakeys V-League first conference sa Rizal Coliseum.
Nagtulong sina Amelia Guanco at Cecille Tabuena sa clutch hits nang mag-ambag ang dalawa ng 32 points, kabilang ang 27 atake upang mag-rally ang Lady Eagles tungo sa kanilang ikalawang panalo sa tatlong laro at manatiling matatag sa kanilang kampanya sa korona ng torneong ito na hatid ng Shakeys Pizza.
Ngunit hindi naging madali ang panalo.
Kinumpleto naman ng La Salle ang three-way tie para sa unang puwesto nang pigilan ng Lady Archers ang University of Santo Tomas, 25-18, 25-19, 29-27, sa ikalawang laro.
Kumana si Michelle Carolino ng 16 puntos habang nag-ambag na-man ng 11 at 10 puntos sina Manilla Santos at Desiree Hernandez, ayon sa pagkakasunod sa event na ito na suportado din ng Accel, Mikasa, Dunkin Donuts, IBC-13 at Jemah Television.
Dahil sa 2-1 baraha ng Ateneo, La Salle at UST inaasahang higit na magiging mainit ang final stretch ng semis kung saan maghaharap ang Ateneo-UST bukas. Haharapin naman ng La Salle ang walang pang panalo ngunit mapanganib na San Sebastian sa isa pang laban.
Samantala, ang La Salle-UST match ay mapapanood ngayong alas-7 ng gabi sa IBC-13, ayon sa organizing Sports Vision Management Group, Inc.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended