^

PSN Palaro

Gran Matador PBA Fiesta Conference: 2nd win pag-aagawan

-
Sa huling tatlong panalo ng Red Bull sa nakaraang limang laro, kinailangan nilang bumangon ng hindi bababa sa 10-point deficit.

Ang pinakahuli ay mula sa 21-point deficit bago nahatak ang 79-77 tagumpay laban sa San Miguel na nagtabla ng kanilang best-of-five semifinal series sa 1-1 panalo-talo sa Gran Matador PBA Fiesta Conference.

Bagamat respetado ang Barakos bilang ‘come-back’ team, kung maaari ay ayaw ni coach Yeng Guiao na mapasuot silang muli sa sitwasyong ito.

Muling haharapin ng Barakos ang mapanganib na San Miguel para sa Game-Three ng semis series na magpapatuloy sa Cuneta Astrodome sa alas-7:35 ng gabi gayundin ang Talk N Text at Shell sa unang laro, alas-4:45 ng hapon.

Tulad ng Barakos, nakabawi rin ang Turbo Chargers sa kanilang sari-ling semis series laban sa Phone Pals sa pamamagitan ng 94-92 panalo.

Ang dalawang araw na pahinga at preparasyon ay sinamantala ng Red Bull at Shell para makabawi sa pagkatalo sa Game-One laban sa SMBeer, 81-89 at Talk N Text, 74-97 ayon sa pagkakasunod dala ng kanilang kapaguran mula sa dinaanang wild card phase at quarterfinal round.

Dahil parehong tabla na ang dalawang semis series, parang best-of-three na lamang ito kaya ang dalawang mananalong koponan ngayon ay siyang makakalapit sa finals na gagamitan ng best-of-seven series. (Ulat ni CVOchoa)

BARAKOS

CUNETA ASTRODOME

FIESTA CONFERENCE

GRAN MATADOR

PHONE PALS

RED BULL

SAN MIGUEL

TALK N TEXT

TURBO CHARGERS

YENG GUIAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with