Tampok din ang anim na special bouts sa programang ito na hosted ni Congresswoman Eileen Buhain, sa pagitan ng mga miyembro ng RP Boxing team na nagha-handa para sa Southeast Asian Games na iho-host ng bansa sa taong ito.
Para sa La Union, lalaban sina pinweight Eleizar Brumuela, light fly Carl Tolentino, fly Christopher Rufuerzo, bantam Von Rufuerzo, feather Richard Rufuerzo, lightweight Roland Laroza at light welter Mike Borja na tatapatan nina Juvy Discarga (pin), Jhonny Sicad (light fly), Albert Tanamor (fly), Chris Dollesin (Bantam), Melvin Legaspi (feather), Benjo Gabito (light) at William Sarmiento (light welter.)
Sa RP team special bouts, ang pairings ay Gretchen Abaniel ng Palawan City at Annaliza Cruz ng Oriental Mindoro sa womens light fly; Olympian Harry Tanamor ng Phil. Army at Lhyven Salazar ng Phil. Navy at Godfrey Castro (Army) laban kay Franklin Albia (Bacolod) sa mens lightfly bouts; Violito Payla (PA) versus Warlito Parrenas (Cadiz City) sa flyweight bout; Genebert Basadre (PA) at Junard Ladon (PN) sa featherweight at welterweights Mark Jason Melligen (Bacolod) versus Francis Joven (PA).