2005 Shakey’s V-League 1st conference: UST vs DLSU sa posibleng Shakey's V-League finals preview

Tangka ng mainit na University of Santo Tomas na ma-sweep ang first round ng double round semis phase sa pakikipagharap sa La Salle na posibleng maging preview ng championships ng 2005 Shakey’s V-League 1st conference sa Rizal Coliseum.

Alas-5:00 ng hapon sasagupain ng Tigresses, gumapang sa elimina-tions para makapasok sa round na ito, ang Lady Archers tangka ang ika-pitong panalong magbibi-gay sa kanila ng one-game lead kontra sa mahihigpit na kalaban papasok sa week long break.

Unang tinalo ng defending champion na UST ang San Sebastian Lady Stags at Ateneo Lady Eagles para panguna sa tournament na sponsored ng Shakey’s Pizza.

"We all know that La Salle is a tough team to beat," ani UST coach August Sta. Maria. "That is why I told my players to play tougher, smarter and work harder."

Sa unang laro, magku-krus naman ang landas ng Ateneo (1-1) at San Sebastian (0-2) sa alas-3:00 ng hapon.

Ngayong nakabalik na si Joyce Pano na dahilan ng panghihina ng Uste sa eliminations, malaking tulong ito kina Roxanne Pimentel, Mary Jean Balse, Venus Bernal at Kate Co Yu Kang na nag-dala ng koponan sa semis ng torneong ito na suportado rin ng Accel, Mikasa, Dunkin‚ Donuts, IBC-13 at Jemah Television.

Show comments